Sino ba si Betlog?
Di hayop, di tao, di bagay, di pangyayari, di lugar, at mas lalo ng hindi pagkain, ano ito este ano siya? Ewan! Iyon na marahil ang pinakamainam na pwedeng maglarawan kay Betlog, isang malaking “EWAN”; hindi maliit na “ewan” kundi isang malaking “EWAN”. Kung ginugulo ka ng iyong utak kung bakit isa siyang EWAN, ang masasagot ko sa iyo ay ewan. Hindi ko alam, wala akong clue, ewan.
Isa siyang EWAN na tila perpektong ginawa ng Diyos upang mang-alaska, mang-asar, mang-inis, mang-gago, mamikon, pagtripan ang lahat ng ewan na trip niyang pagtripan, at ewan. May mga ewan na doctor, ewan na artista, ewan na abugado, ewan na pari, ewan na manunulat, ewan na arkitekto, ewan na guro, ewan na nurse, ewan na pulis, ewan na call center agent, ewan na hardinero, ewan na tubero, ewan na clerk, ewan na janitor, ewan na prostitute, ewan na tindera, ewan na presidente, ewan na senador, ewan na kongresista, ewan na gobernador, ewan na mayor, ewan na konsehal, ewan na kapitan ng barangay, ewan na tanod, ewan na tambay, ewan na hayop, ewan na tao, ewan na bagay, ewan na pangyayari, ewan na lugar, ewan na pagkain, ewan na ewan at marami pang ewan. Napakarami talaga ng ewan sa mundo, hindi ito kayang bilangin ng iyong mga daliri isama mo pa mga daliri mo sa paa at mga daliri ng iyong mga kapit-bahay. Huwag mo ng isa-isahin, masisiraan ka lang ng ulo at baka pagkamalan kang ewan na praning.
Dahil sa isa siyang EWAN, kasalukuyan siyang walang buhay pag-ibig. Sa dinami-dami ng babae sa mundo, takang-taka at gimbal na gimbal siya kung bakit mga “Chiksilog” ang mga nagkakagusto sa kanya. Sa madaling salita, kilabot siya ng mga jokla, mga bading, mga ewan (pasintabi na po sa mga kapatid nating sensitibo ang seksualidad). May mga lalaking pusong babaeng desente, lalaking pusong babaeng Diego ang dating, mga lalaking pusong babaeng tila DOM, meron din naman mga lalaking pusong babaeng Bibi Gandang Hari ang acting. Dios ko dai, mundo nga namang kaylupit, di bale na sana kung gipit.
Sa totoo lang, si Betlog ay higit pa sa kung sino mang ewan ang nasa isipan mo ngayon. Kung iniisip mo si Kuya Kim, mas henyo siya kay Kuya Kim. Kung iniisip mo si Henry Sy, mas mayaman siya kay Henry Sy. Kung isa kang lalake at iniisip mo ang sarili mo o kung isa kang babae at iniisip mo ang boyfriend mo, mas gwapo siya sayo o sa boyfriend mo, asa ka pa. Kung iniisip mo ang Diyos, pwes, si Betlog ay hindi Diyos dahil may takot siya sa Diyos. Kung sakaling ikaw ngayon ay napapaisip kung sino ba talaga si Betlog, pumikit ka, gumawa ka ng perpektong imahe sa iyong isipan, iyon ay si Betlog. (Ayusin mo imagination mo kung ayaw mong masaktan!)
Paunawa:
Paniwalaan niyo ako…
Hindi ako kapani-paniwala!









December 10, 2010 at 9:05 pm
palagay ko si betlog ay isang gabi (yung gulay), mabuhok at naglulupa sa karumihan. ;)
April 1, 2010 at 8:05 pm
alanga namang boys boys boys.. haha.. ^^
April 1, 2010 at 7:57 pm
girls girls girls!!boredom!haha