Jejemon: Salita ng Taon 2010
Sa lahat ng Jejemon at kung sino man ang kaisa-isang tao na nakaisip sa salitang Jejemon – maraming saludo sa iyo. Sa dinami-rami ng bagong mga salita sa Pilipinas, Jejemon ang napili at nanalo bilang “Salita ng Taon”. Nakakatawa man kung iisipin, ngunit ito ang katotohanan.
Salamat sa sangkatutak na media exposures ng salitang Jejemon. Salamat sa pagpapakilala ni Vice Ganda ng Jejemon sa Showtime. Salamat sa balita ni Michael Fajatin sa 24 Oras tungkol sa mga Jejemon. Sa mga Facebook Fan Pages na ang sentro ng paksa ay tungkol sa mga Jejemon kabilang na ang mga “Jejemon Haters” at iyong mga trip lang pagtripan ang mga “Jejemon”. Sa TV 5 at ang mga bloggers na hindi nagsasawang magbigay ng impormasyon. Tagumpay ninyo ito, tagumpay sa mga kontribusyon upang makilala ang salitang Jejemon. Kung hindi dahil sa mga pangyayari at kadahilanang ito, malamang ay iba ang napili at nagwagi bilang “Salita ng Taon” ngayong 2010.
May mga shows na nagsulputan na Jejemon ang tema, mga taong sarap na sarap sa pagiging Jejemon o bihis Jejemon nila, at may mga tao rin namang inis na inis kapag tinatawag na Jejemon. Mabuti man o masama ang epekto ng salitang ito sa sambayang Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni PNoy, makikita natin na ang wikang Pilipino ay patuloy na nagbabago, nag-eevolve na parang Pokemon o marahil ay Jejemon. Sabihin man niyang walang wang-wang, may Jejemon naman!
Kung buhay pa si Francisco Balagtas, marahil ay ikatutuwa niya ito. Kung ang salitang Jejemon ay nauso pa noong unang panahon, tiyak ay makikita natin ang salitang ito sa mga tula at panulat ng atin mga bayani. Salita na pwedeng maglarawan sa mga mananakop noong unang panahon, imbes na mga prayle o kastila, jejemon nalang. Mga panulat na inilimbag sa La Solidaridad na nasa tekstong jejemon (LhUh Zh0leeDhUriDhUDzz). Mga nobelang naging susi sa ating kasarinlan. Mga batas at kasulatan na ginawa ng atin mga ninuno. Mga awitin na ginamit sa bawat panghaharana at panunuyo – lahat lahat marahil ay may elemento ng Jejemon kung ang salitang ito ay nabuo at nabigyan lang ng kahulugan noong unang panahon. Ngunit tayo ay nasa realidad, alam nating imposibleng mangyari ngunit nakatutuwa kung ating iisipin.
Sa kabila ng lahat ng ito, pinaalalahanan ng Department of Education ang mga mag-aaral na huwang itong gamitin sa paaralan at pag-aaral dahil ito daw ay nakasisira sa tamang pagsulat o mas malala ay sa literatura, ngunit ang mga Jejemons ay kinampihan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), Commission on Human Rights, academic and student communities. Bakit kaya sila kinampihan? Malamang ay Jejemons din ang mga kumampi sa kanila. Minsan, ang tradisyon sa literatura ay dapat sirain upang ang kasalukuyang literatura ay magbago, umusbong, umusad, lumago, o yumaman.
Tinalo ng Jejemon ang 10 ibang salita sa nakaraang Sawikaan 2010 na ginanap sa UP Diliman. Ang salitang Jejemon ngayon ay kalebel na ng mga dating sikat na salita gaya ng “canvass”, “huweteng”, “lobat”, at “miskol”, mga salitang dating napili bilang Salita ng Taon. Ang ibig sabihin ng mga salitang nanalo sa mga nakaraaang taon ay:
- Canvass – ang salitang ito ay sumikat dahil sa mga eskandalong naganap sa mga nakaraang eleksiyon o pandaraya sa mga canvass.
- Huweteng – isa itong iligal na sugal kung saan may tinatayaan kang dalawang numero at ang premyo ay depende mula sa iyong taya. Ang huweteng ay hindi parin nabubuwag hangga sa mga panahong ito.
- Lobat – tagalog ng lowbat. Ang salitang ito ay madalas gamitin sa text upang ipaalam sa iyong katext na mamamatay na ang baterya ng iyong mobile phone.
- Miskol – tagalog ng Missed Call. Ito ay madalas rin gamitin sa text gaya ng salitang Lobat.
Sa kauna unahang pagkakataon, ang salita ng taon ay nagtataglay ng napakaraming kahulugan at gamit hindi tulad ng mga nakaraang naging Salita ng Taon. Una sa lahat, ito ay tumutukoy sa mga taong kung magtext ay fphUr4nG gHunlt0e, jejeje. Pangalawa, ito ay tumutukoy sa mga taong jologs. Pangatlo, ito ay tumutukoy sa uri pananamit o mga bagay na isinusuot. Pang-apat, ito ay tumutukoy sa paraan ng pagsasalita. Pang lima, ito ay tumutukoy sa ibang mundo kung saan komportable ang mga Jejemons o mundong kinabibilangan ng mga Jejemons. Pang-anim, malapit na itong maging pamagat ng isang TV show o pelikula.
Ang poet at writer na si Victor Emmanuel “Vim” Nadera, National Artist for Literature na si Virgilio Almario at FIT Director na si Romulo Baquiran, Jr. ay kabilang sa mga naging hurado kung saan ang Blas Ople Foundation ay magkakaloob ng premyo sa makakakuha ng una, pangalawa, at pangatlong pwesto bilang “Salita ng Taon”. Ang mga salita ay pinag-aralan ng mga miyembro ng Filipinas Institute of Translation (FIT), ang Up Sentro ng Wikang Filipino, UP College of Arts and Letters, Department of Education, at Commission on Higher Education.
Ang salitang Jejemon ay iprinisinta ni Rolando Tolentino ng UP Film Center. Nakalaban ng salitang Jejemon sa taong ito ay ang mga salitang “ondoy”, “tarpo”, “korkor”, “load”, “emo”, “spam”, “unli”, “solb”, “namumutbol” at “ampatuan”.
- Ondoy – bagyong nanalasa sa Metro Manila noong nakaraang taon. Halimbawa: Pare, na ondoy ka yata, bakit ang lungkot ng mukha mo.
- Tarpo – na ang ibig sabihin ay trapo o salitang naglalarawan sa mga traditional na pulitiko o mga tarpaulin na ginagamit sa pangangampanya. Halimbawa: Nakakabadtrip talaga ang mga tarpo sa kongreso.
- Korkor – naglalarawan sa mga Koreano na bumubuo ng malaking komunidad sa Pilipinas. Halimbawa: Ui mare, ang daming korkor sa bayan.
- Load – prepaid load ng mga mobile phones. Halimbawa: Text nalang kita mamaya ha, wa nako load.
- Emo – naglalarawan sa isang uri ng musika, pananamit, uri ng pamumuhay, o pagiging emosyonal. Halimbawa: Wag ka ngang magdrama, napaka emo mo.
- Spam – ito ay mga uri ng mga mensaheng hindi dapat o ginustong matanggap. Halimbawa: Wag mong iispamin ang cellphone ko mamayang tulog ako ha?
- Unli – pagpapaikli ng salitang Unlimited text o call. Halimbawa: Pashare naman ng piso, para makapag-unli ako.
- Solb – ang ingles ng solve, madalas gamitin kapag nabusog. Halimbawa: Sarap ng pagkain, solb nako.
- Namumutbol – ang ibig sabihin ay naglalaro ng football, may bagay na sinisipa mula sa lupa o nagtatrabaho para magkaroon ng dagdag na kita. Halimbawa: Tingnan mo yung bata na sumipa sa lata, namumutbol!
- Ampatuan – na ang ibig sabihin ay massacre o ang pamilya sa Maguindanao na nadawit sa isang massacre. Halimbawa: Yabang mo ha, gusto mong ma ampatuan?
Ang mga salitang “load”, “emo”, “spam”, “unli”, “solb”, “namumutbol”, at “ampatuan” ay umabot sa finals ngunit hindi parin nagawa ng mga ito na makalikom ng sapat na boto upang talunin ang salitang “Jejemon”.
Ang mga salitang napili ay pinili base sa gamit at importansiya nito sa mga Pilipino. Ito ay mga salitang sumasalamin at nagpapalakas si wikang Pilipino kung saan dahil sa mga salitang ito, nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ang atin wika. Ang bagong salita ng taon ang magiging importanteng karagdagan sa salitang Pilipino at ito ay idadagdag sa bagong edisyon ng UP Diksyunaryong Pilipino na ilalathala ng Anvil Publishing.
Sa lahat ng ito, hindi na magugulat ang taong bayan kung magkaroon man ng “Jejemon Party List” sa susunod na halalan. Mikey Arroyo, paghandaan mo na ang partidong irerepresenta mo sa susunod na halalan, sa tingin ng taong bayan ay mas bagay ka dito. Jejejejeje.
——————
BETLOGANGMUNDO

May 20, 2012 at 8:06 pm
Kunyari pa so jobologist na wa;a na syang maisip na salitang beki.. wahahaha.. aminin mo na kasi na beks ka din chosera!!
July 10, 2011 at 6:16 pm
ODK…..OMG……at khit anu pa yan ……maganda
sa pandinig…….
nincompoop – its means an idiot
July 10, 2011 at 6:13 pm
30w ph0whz sa inyong lhat.. ang jejemon daw ay ang mga salitang nakukuha o nasasav sa internet??? ganun ba un…… pero maganda ang jejemon ..ipinagbabawal lng daw yan sa mga school..sav ng DePED nakita ko sa google…….
March 9, 2011 at 10:28 am
..aYOs hahahahaa
January 17, 2011 at 5:07 pm
dapat maging jejemon tayo,para sa makabagong mundo ng mga tao……go jejemon people..wahehe
January 17, 2011 at 5:05 pm
dapat maging astig tayo,para sa makabagong mundo ng mga tao…astig…go jejemon people..wahehe
January 17, 2011 at 5:02 pm
mula ngayon magsanay na tayong gumamit ng salitang jejemon..4 the new generation..astig tau d2 pare!
January 13, 2011 at 2:08 pm
mGa jEjem0n kAu JajaPak k0 kaU lHat
January 13, 2011 at 2:10 pm
jejemon pre
December 29, 2010 at 12:32 am
Gumawa nga kayo ng jejemong tula, tignan ko kung ilang buwan ko mababasa, gumamit rin kayo ng mga malalalim na sallita tapos gawin niyong jejemon :D
December 22, 2010 at 3:17 am
sana sa susunod salitang beki naman ang manalo bilang salita ng taon…o kahit makapasok man lanfg sa finals…naniniwala akong napakacreative nang mga salitang beki…pinakagusto ko yung ”ikaw” = ”ikershels” ata yun jejejeje panalo din yung talo = luz valdez , tapos…wala na ako maisip eh sana salitang beki…
November 29, 2010 at 3:48 pm
u made things complicated..
November 24, 2010 at 4:39 pm
Ganda ng SpeeCh Nio….. HEHEHE
November 24, 2010 at 4:37 pm
nakakainspire nman yang nkasulat dian ……. baka mgpadala kau…… wag kau mgpakajejemon ……. drama lng nla yan ….. heheheh …….
September 28, 2010 at 9:02 pm
hindi sIya AStig LoSER SIya
September 25, 2010 at 5:07 pm
gago kaung lahat
August 4, 2010 at 11:57 pm
ASTIG!! :)