Piniratang talumpati ni Noynoy

*Ang mga salitang naka BOLD ay ang mga salitang resulta ng pamimirata. Read at your own risk*

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos pahits naman ng tobacco mo mamaya, ‘yung strawberry flavor, Former prisoner and President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile, malas lang manong, akala mo ikaw ulit uupo bilang Senate President, magdasal kana na di sila makakuha ng tig 13 votes, and members of the Senate except Manny Villar, na balita ko lumalangoy ngayon sa dagat ng basura, House Speaker Prospero Nograles, peace na daw kayo ni Rep. Villanueva, and members of the House especially iyong mga taga Liberal lalo na iyong mga taga Lakas na Liberal na ngayon, justices of the Supreme Court, Chief Justice Corona, say cheese! kita ka sa camera, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government and Midnight Appointees, aking mga kababayan. H3LL0W pf0uh, JEJEJEJE.

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Kanina pa nga ako yosing-yosi at antok na antok dahil sa orchestra mabuti nalang at chinichika ako ni Bise Binay. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Salamat dahil sa kakulitan at pambubuyo ninyo ay naging Presidente ako at napilitang umatras ang kaibigan kong si Mar Roxas, ayon talo tuloy siya kay Binay. Salamat panginoon dahil ang tandem namin ngayon ay hindi Ma-Noy kundi Bi-Noy. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan. Mga suliraning iniwan sa akin ni PGMA, este CGMA. Congrats nga pala sayo! Naway tanggapin mo ng buong puso ang aking munting regalo, ang “Truth Commission”. Ibang klase ka rin, di ka pa kayo nakuntento sa mga Tongpats, ngayon pati pork barrel gusto niyo pang kanain.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, tumandang binata, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Akala ko buwis sa pera lang ang kinukulimbat, pati pala ang sakripisyo at pagbubuwis sa buhay ng tao ay nakukulimbat din. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito na naputol at nasira sa nakaraang administrasyon. Napilitan si Kris na idelete ang Twitter account niya upang magkaroon ng privacy. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Pero sana bago ako mamatay ay makapag-asawa muna ako at wish me more birthdays to come. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan. Mamaya, magdodonate ako ng dugo sa Red Cross, sana tanggapin nila ang dugo ko.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa sa kabila ng wala pa akong masyadong nagawa noong nasa Kongreso at Senado pa ako, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan gaya ng problema sa pamilya na pinagdadaanan ni Kris at James, isa iyong dahilan kung bakit ayaw ko munang mag-asawa, baka magkaproblema lang kami ni Shalani. Papakasalan ko siguro siya kapag bagsak na ang approval ratings ko para naman tumaas nang konti. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag, pipi, tila di pantay ang daan kung maglakad, pandak, may nunal at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya ni DOJ Secretary Agra, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol gaya ng mga Heneral na bineybi ni Gloria.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin, kaasar nga e. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin, kaya nga galit ako sa mga wang-wang e. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin, kaya nga deadma lang ako sa Senado e.

Katulad ninyo ako, napapanot din. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa—nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap sa panahon ni Erap at Gloria, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita, foreigners lang ba ang mga nakakakita ng mga oportunidad dito sa atin gaya ng mga Chinese at Koreans? Sa iilang sandali na ako’y payosi-yosi at sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din, mag-artista kaya ako?—talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Gusto ko man mangibang bansa pero wala akong pasaporte, sa totoo lang. Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino? Sa banal ni bibliya ni Gloria,? In fairness ah.

Ngayon, sa araw na ito—dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, dahil sa paninira ni Villar, nakakuha tuloy ako nang kaunting simpatya at kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Wala ng magpapasko sa gitna ng kalsada o maliligo sa dagat ng basura. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat. Parang awa niyo na, utang na loob, tulungan ninyo ako, Please!

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, the Noynoy style, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy at ni PNoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Nandito kami hindi para tularan si GMA, walang ZTE, walang mamahaling hapunan, walang magastos na foreign trips, walang term extension, walang pamimigay ng pera sa mga Gobernador, walang mahal na railway projects, walang political killings, walang abusadong Executive Orders, walang Emergency Powers, walang maraming Heneral, walang Fertilizer Scam, walang Ampatuan Massacre, walang  Hello Garci, walang Midnight Cabinets at mas lalong walang FG, aabutin tayo ng bukas kung babanggitin ko lahat. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago—isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago—isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan. Matagal kong nirehearse ang mga sasabihin ko noong kampanya, buti naman ay nagbunga.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap, kung wala si Erap, walang mahirap”. Ang sigaw naman ni Baby James noong kampanya: “Villar, Villar” Dios ko dai, buti nalang magaling din kaming manira at pambata lang ang mga TV ads niya, kulang sa Star Power, tapos iyong bigating artistang kinuha niya inalis pa sa show niya, ngayon si Pacman naman ka close ko na, wowowee! Hindi lamang ito pang slogan o pang poster—ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, lahat ay makakakain ng may ulam sa hapag kainan, NO MORE LONELY RICE, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan. Hindi pa ba kayo nagsasawa sa pagbigkas ko ng kahirapan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan? Puwes, magtiis kayo, napansin ko kasi na sa tuwing binibigkas ko iyon, pumapalakpak kayo. Kulang na nga lang ay maghead spin ako dito para mapalakpakan. Wala ba kayong mga kamay?

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo, hindi nako magyoyosi habang nagpapapicture kasama ang mga kabataan in public. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin para maging mataas ang approval ratings ko. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan. Ang sinumang hindi sumunod sa aking adhikain ay matutulad kay General Bangit.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt, pipilitin ko ring maniwala na si Bise Presidente Binay ay hindi corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat, mga 10. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Hindi pakitang gilas sa galing sa pagkanta at pagsayaw. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Hindi kita pinariringgan Chief Justice Corona, parte lang ito ng talumpati ko kaya Chillax ka lang diyan. Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami. Bakit kayo napa smile Erap at FVR? Nabanggit ko ba iyong Expo? Ay sorry, nadulas ako. Ay, nasabi ko nanaman. Ay, ay.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon. Sa mga kapuspalad lang, better luck next time nalang sa mga hindi kapuspalad.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan. Wala ng malunggay instant noodles! Nandiyan din ang dati kong girlfriend na si *censored baka magalit si Mar* para mamigay ng libreng tsinelas sa mga estudyante. K!

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila. Hindi pwede ang mga Ro-ro na animo’y gawa lang sa bangkang papel. Hindi pwede ang mga kalsadang maulanan lang ay mabubutas na at pwede ng paglaruan ng jolens. Hindi pwede ang mga airports na hindi pa man tapos gawin ay nagigiba na ang kisame.
Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Sana magwork ito 100% this time, patnubayan mo nawa ako inay. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

• dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo, halimbawa: nursing aide, janitor assistant, deputy clerk, etc;

• serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon, matapos ang tatlong taon, kanya kanya na, bahala na si Batman;

• tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad, papalagyan natin ng mga CCTV ang mga squatters area.

libreng yosi sa mga kababayan nating 18 taon gulang pataas.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, imamass produce natin sila gaya ng mga nurses kahit na marami sa kanila ay walang tunay na kakayahan, pipilitin natin ang AMA at STI na mag offer na rin ng mga kurso para dito hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa, kaya sana naman susuportahan na po siguro natin ang artificial birth control, kawawa naman ang mga pulis at sundalo, doble na ang binabantayan nila.

Kung dati ay may fertilizer scam at hacienda luisita massacre, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari. Pati pala pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ay susubukan ko ring asikasuhin, pasensya na tao lang, nakakalimot. Haller!

Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili – lalaktawan natin ang gitna kaya sa lahat ng nasa gitna, umpisahan niyo ng maghanap hanap ng bagong trabaho, bilang na mga araw ninyo, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. If all else fails, I might consult Gloria on what to do, Joke! We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan. Hindi iyong tantiya-tantiya lang para may maipagyabang sa SONA.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. No more additional Call Centers, hindi naman lahat ay fluent magsalita ng English gaya ni Ex President and Convict Estrada, napaisip kayo no? Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot o baka nga hindi natin maabot ever, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers gaya ng pamimigay ng house and lot at pangkabuhayan showcase sa lucky OFW of the day.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Asahan ninyong magkakaroon ng bagong section sa mga diyaryo at tatawagin natin itong “Classified Documents” section. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana. Sa mga nagbabalak palitan ang Konstitusyon, asa pa kayo! Nabuo yata ito sa panahon ng nanay ko. Matuto rin kayong magbilang, outnumbered na kayo sa Kongreso!

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya, sana diwa lang ang buhayin natin sa loob ng anim na taon, siyempre alam niyo na what I mean, pangarap ko pang tapusin term ko. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kahit tinawag niyo pa akong baliw at abnormal, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan, common sense lang, hindi ako sila at hindi sila ako.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice (napulot ko kay dating Senador Salongga yan), am I right Ex President Estrada? Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all. Ipasok mo muli sa kulungan yung taong hindi dapat nandito, nasa likod ko siya ngayon, nakikipalakpak pa.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon. Jinggoy, utang na loob, huwag ka ng kumontra. Scared?!

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi. Isang mabuting halimbawa ay iyong nasa likod ko ulit, lakas pa ng loob humabol bilang Presidente again tapos ayaw pang mag concede, asa ka pa men!

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao and be insincere in dealing with all the peoples of Luzon and Visayas. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian. I’ll try to consider Rizalian’s Sect as well, and the members of various cults.

We shalI defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi? Malamang ay iyong mga nang-aapi.

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Karapatan para tumanggap ng suhol at konsensiya kung hindi man natin binoto ang nanuhol sa atin. Sa lahat ng nasuhulan na hindi binoto ang mga nanuhol sa inyo, makonsensiya kayo! Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan, obvious naman dahil hindi naman pwedeng mga hayop o alien ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli. Muntik pa nga tayong mabulilyaso dahil kay Erap, lakas pa ng loob na sumipot dito, badtrip!

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities. We will prepare and be ready on supplying you the best housemaids, waiters, construction workers, and other low profile jobs. What I mean by that are housemaids with a degree and graduate of Interior Design courses, waiters with HRM, licenced Engineers as construction workers, etc….

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works, I didn’t expect it to do so.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN. Isumpa na rin po natin ang mga taong nanloko sa atin sa mga nakaraang panahon ng kanilang pamamahala.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan, in short walang mangingibang bayan dala ang buong barangay para kumain sa isang mamahaling restaurant. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon, hindi siyam na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Walang kaibi-kaibigan, walang kama-kamag-anak, pwe! Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa. Alam kong halos 80% ng nandito ay dahil sa libreng concert pero okie lang.

The people who are behind us dared to dream and got frustrated. Today, the dream starts to become a reality and frustration. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko? Thank you pala pareng Salceda dahil you made the right choice, muah!

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. Sana naman, taasan ninyo ang sahod ko, wag naman minimum wage, kulang pang pambili ng isang kaha ng sigarilyo, pangmiryenda at pang date iyon! We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations. Nandyan ang mga kapatid ko na halos 50 years nang nagbibigay ng feedbacks sakin, sawa nako kaya sana kayo nalang magbigay ng feedbacks!

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito—ang ating mga volunteers—matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, may ngipin o wala, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan gaya ng simpleng paglalaba sa mga underwear ko; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, mamaya ko bigay paycheck ninyo pagkatapos nito, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap at nabigo sa katauhan ni Mar Roxas na sa kasalukuyan ay wala dito dahil namamaga daw ang mata sa kakaiyak; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa—nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito, mag-aabroad kami ni Krissy at doon na kami maninirahan at kakalimutan na ang Pilipinas.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward walking not running, mahina na stamina ko dahil malapit na malusaw baga ko sa usok na hinihithit ko.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan ay hindi nako hahabol uli sa anumang posisyon sa pamahalaan dahil hindi makapal ang mukha ka at hindi ko kailangan protektahan ang sarili ko sa batas na hindi ko planong labagin, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Makakatulog ka ng mahimbing Bise Presidente Binay kung sakaling ikaw ang mananalo sa 2016 dahil wala akong problemang ipapamana sa inyo. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas, huwag na tayong tumawid sa dagat ng basura.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino! AJEJEJEJEJEJEJEJE. : )

Ang kopya ng talumpating ito ay hindi maaaring piratahin. Maraming salamat po.

-Captain Hook

————————————


BETLOGANGMUNDO

2 Responses to “Piniratang talumpati ni Noynoy”

  1. rosx xhiianne Says:

    ASTIG !! haha .. lubk it :]

  2. Bravo! ang galing ng pagkakasulat. =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.